Archive for November, 2007

h1

Tungo isang dekada ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya

November 27, 2007

Renato M. Reyes, Jr.

Tagapagtatag na Pangulo, ANAKBAYAN
Noong ikalawang hati ng taong 1998 ay binuo ang Anakbayan National Organizing Committee upang simulan ang pagkoordina ng pagbubuo sa pambansang saklaw ng isang komprehensibong organisasyon ng kabataang Pilipino. Ito na ang resulta ng pagkilala ng pambansa demokratikong kilusan sa pangangailangang pukawin, organisahin at pakilusin ang kabataang Pilipino, di lamang sa sektor ng estudyante, kundi pati ang mas malaking bilang ng mga kabataang manggagawa, magsasaka at kabataan sa komunidad at maging mga kabataang propesyunal.
Ang kilusang estudyante katuwang ang iba pang mga organisasyong kabataan ay kagyat na tumugon sa panawagan ng pagbubuo ng Anakbayan. Sa Pambansang Kongreso ng Bayan noong Hulyo 1998 ay nagkaroon din ng resolusyon upang ubos kayang tumulong ang mga kasaping organisasyon ng Bayan ang pagbubuo ng Anakbayan.
Noong una ay inakalang may katangiang “alyansa” at organisasyong masa ang Anakbayan, at tinawag pa nga itong “Alyansang ng Nagkakaisang Kabataan para sa Bayan”. Ipinagkamali na ang konsepto ng komprehensibong organisasyon ng kabataan ay mala-alyansa ang pakahulugan. Agad namang naiwasto ito at naipirmi ang Anakbayan bilang isang organisasyong masang tumitipon sa kabataan mula sa iba’t ibang uri o sektor.
Ang mga batayang dokumento ng Anakbayan ay hinalaw mula sa mga paglalagom ng kilusang kabataan at mula sa mga lumang dokumento ng Kabataang Makabayan noong 1964 at 1966. Kinonsulta ang mga personalidad tulad ni Prof. Jose Ma. Sison at si Prof. Monico Atienza kaugnay ng oryentasyon ng bagong bubuuing organisasyon. Si Prof. Sison ay tagapagtatag na pangulo ng KM habang si Ka Nick Atienza ay naging Pangkalahatang Kalihim ng KM noong 1966-68 (?).
Bentahe ng Anakbayan na may mahaba at mayamang kasaysayan na ng kilusang kabataan sa Pilipinas kung kaya’t may mga prinsipyong gagabay sa pagbubuo ng organisasyon. Bentahe din na may pambansang latag ang kilusang pambansa demokratiko kung kaya’t tulong-tulong ang lahat sa pagbubuo ng Anakbayan.
Noong inihahanda ang Pambansang Kumperensya ng Pagtatatag, lubhang manipis pa ang pambansang istap ng Anakbayan. Nakiki-opisina lang ito sa Kilusang Mayo Uno sa may Morato,Quezon City. Nangutang pa ito sa Bayan para lang makapunta ng mga rehiyon para pag-isahin sila sa pagbubuo ng Anakbayan.
Ang mga kabataan sa National Capital Region, particular sa Tondo (League of Tondo Youth), ay malaki ang naitulong sa Pambansang Kumperensya ng Pagtatatag. Sila ang nagtaguyod sa pambansang pulong. Mula Nobyembre 28-29 ay nagpulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at organisasyon ay nagpulong sa del Pan Sports Complex sa Tondo. Dahil wala naman pera para sa hotel o dorm, ang mga delegado ay natulog sa mga bahay ng baseng masa natin sa Tondo. Ang pagkain, syempre pa, pawang mga donasyon na pilit na pinagkakasya sa mahigit 100 na delegado at mga obserber.
Tema ng kumperensya ang pagtataguyod ng laban para sa “trabaho, lupa, eduasyon, karapatan at serbisyo” o kung tawagan ay TLEKS. Dito iikot ang mga partikular na isyung dadalhin ng Anakbayan sa pagbwelo nito bilang isang komprehensibong organisasyon.
Naantala ang sesyon ng kumperensya nang may ibang gumamit ng del Pan Sports Complex. Kinailangang mag-break dahil may mga magba-basketball at volleyball sa mismong lugar na pinagdadausan ng kumperensya. Nagkataon pa na pulis pala ang naka-skedyul na gumamit ng lugar noong hapon na iyon.
Nobyembre 30 ng umaga nang magmartsa ang mga kasapi ng bagong tatag na Anakbayan mula Plaza Moriones sa Tondo papunta ng Liwasang Bonifacio. Dito unang isingaw sa rally ang pamilyar na “Lumalakas, lumalawak, lumalaban, Anakbayan!”
Ang unang logo ng Anakbayan ay letrang AB na may dilaw na tala. Hindi nagtagal ang disensyo dahil mukha daw itong logo ng gasolinahan o kaya’y tatak ng sapatos. Kinalaunan ay napopularisa na ang alibata ng letrang “K” bilang logo ng Anakbayan. Mas simple (lalo na sa O.P.) at ay may istorikal pang kabuluhan.
Pare-parehong natuto ang mga bagong kasapi ng Anakbayan sa aktwal na karanasan at praktika. Dahil lahat ay nagsisimula pa lang matuto, naging malaking hamon ang pagpapalawak at pagpapasigla ng organisasyon.
Ilan sa mga unang komunidad na naorganisa sa Metro Manila ay ang Pandacan, Payatas at Sampaloc. Ang unang HQ ng Anakbayan ay sa isang apartment sa P.Noval sa Sampaloc. Malapit lang ito sa detachment ng pulis at barangay hall. Mabuti na lang ay aktibista ng FQS ang baranggay captain. Sa kanto ng eskinita papasok ng opisina ay may nakatirang tsuper ng dyip. Ang kanyang lumang sasakyan ang siyang magsisilbing transportasyon ng Anakbayan sa lahat ng mayor na pagkilos sa panahon ni Estrada, mula rally sa Ayala hanggang sa EDSA 2 at maging “EDSA 3″.
Ang bahay sa P.Noval marahil ang pinaka-akmang HQ noong panahong iyon dahil nasa pusod ito ng komunidad, may tuwirang mao-organisa, malapit sa mga unibersidad at higit sa lahat, walking distance sa Mendiola.
Budget sa edukasyon, pagtaas ng presyo ng langis, demolisyon sa komunidad, pagguho ng bundok basura sa Payatas, ito ang ilan sa mga unang isyung tinanganan ng Anakbayan. Laman ito ng mga kalsada, komunidad sa lunsod ang nayon, at mga picket lines. Sa mga isyung ito nakilala ng taong-bayan ang isang bagong organisasyon ng kabataan.
Di nagtagal, lumawak ang Anakbayan sa mga paaralan at komunidad at naging isang mahalagang pwersa ng pambansa demokratikong pakikibaka. Taong 2000 nang isinagawa ang Unang Regular na Kongreso ng Anakbayan sa Cebu kung saan dumalo ang mga bagong tatag na pamprobinsya at pangrehiyong balangay ng organisasyon. Tinasa ang dalawang taong praktika ng organisasyon at higit na pinataas ang pag-unawa sa oryentasyon at tungkulin ng isang komprehensibong organisasyon.
Matapos ang Kongreso ay sumabak ang Anakbayan sa samu’t saring mga pakikibakang masa na ruruok sa paglahok nito sa EDSA 2 noong Enero 2001. Kabilang din ang mga kasapi ng Anakbayan sa mga pwersang sumuyod sa mga komunidad sa palibot ng Malacañang sa madaling araw bago ang martsa papuntang Mendiola noong Enero 20, 2001.
Ang Anakbayan ay nabuo sa panahon ng matitinding pakikibaka. Natuto ito mula sa buhay na karanasan, habang pinanghahawakan ang mga naipundar na aral ng nakaraan. Sa proseso ay nakapag-ambag na rin ito ng madaming mga martir ng bayan. Ang siyam na taong pakikibaka ng Anakbayan ay dapat magsilbing tuntungan para sa higit pang mga tagumpay. Patuloy na umiiral ang Anakbayan, lalo’t di naman nalulutas pa ang mga pundamental ng problema ng lipunan.
Napakainam ng sitwasyon ngayon para higit itong sumulong lagpas sa isang dekadang pakikibaka para sa pambansang demokrasya.

h1

Drastic Fantastic

November 21, 2007

KT Tunstall’s sophomore outing Drastic Fantastic is well worth the wait. Walang tapon sa album. All songs are good. The album was released last September 10, 2007 with the track Hold On as the first single. Those who loved Black Horse and a Cherry Tree will love the first single. The music is folksy, sprinkled with pop and alternative hooks but to me is also reminiscent of Aimee Mann (Hopeless) and even Queen (Saving My Face).

Tunstall has a new band, or at least I think they are new since the back up vocalists are more noticeable now. They sport the same hairdo too. The presence of the two back up vocalists kinda makes the sound fuller and of course the harmonies are more diverse.

Drastic Fantastic, like Eye to the Telescope, provides hours of great listening and gives us a glimpse into the talents of a young musician who used to do busking to hone her skills. I’m sure KT Tunstall has a lot more to offer in the future. For now, we content ourselves with another album from a true music wonder.

h1

On the Batasan Blast

November 14, 2007

Our deepest sympathies go out to the family and friends of Ka Marcial Taldo, driver of Rep. Luz Ilagan, who was killed in the Batasan blast last night. We join our comrades in the Gabriela Women’s Party in mourning his untimely death. His remains will be at the St. Peter’s Church along Commonwealth Avenue starting today.

Statement of the Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)

on the Batasan Bombing

 

The Bagong Alyansang Makabayan condemns in no uncertain terms the bombing of the Batasang Pambansa which resulted in the death of Comrade Marcial Taldo and the injury of Rep. Luzviminda Ilagan of Gabriela Women’s Party. The explosion also claimed the lives of Rep. Wahab Akbar of Basilan and Maan Bustalino.

 

The bombing happens at a time when intense political crisis is besieging the Arroyo administration. The incident happened hours before a Senate probe on bribery allegations involving Malacañang as well as Congress hearings on the impeachment case against the President.

 

We call for an impartial and thorough probe on the incident even as we cry out for justice for the victims. We do not want the investigation to turn into another Glorietta probe wherein the results lack credibility. There should be no cover up. Even as the Philippine National Police is popularizing the theory that Rep. Akbar was the target of the blast, it should not immediately and conveniently disregard other political angles that may be the reasons for the blast.

 

The PNP has the duty to determine whether or not the blast was also aimed at Rep. Luz Ilagan who is a known Arroyo critic, or if the blast was some form of diversionary tactic to cover up the impeachment issue and the Senate bribery probe happening today. All angles, even the highly political, must be looked into for the probe to be credible and acceptable to the public. To immediately limit the probe to the Akbar angle would only fuel public suspicion.

 

The recent series of explosions that have occurred in Makati City, Quezon City and nearby Cavite province are a cause for alarm insofar as these may be used by the Arroyo government as a justification for more repressive policies. We warn the Arroyo government that doing a Musharraf will be politically costly and will incite further resistance from the people. Whether it is through the draconian Human Security Act or a state of emergency, repressive measures are a totally unacceptable response to these incidents. These only betray the regime’s self-serving drive to remain in power at whatever cost.

 

If the intention of the blast was to sow fear especially among critics of the administration, we can say with certainty that we will not be cowed. We will continue to fight for issues that we firmly believe in. We will continue to hold the Arroyo regime accountable for the many crimes it has committed against the people. ###