Archive for July, 2008

h1

At the SoNA rally

July 31, 2008

Last Monday’s SONA rally was great. We had a good turn out, much higher than the police estimate of 7,000. I think the mob was between 10,000 to 13,000, definitely much bigger than last year’s. The weather was also very cooperative. It didn’t rain that hard, and most of the time we had cloudy skies which is always a welcome condition for rallies.

We hit the streets at around 5:00am, yes that early. To be fair, there were folks who were at the rally site much earlier, like 4:30 am.

At around 8am, it started to rain, but luckily for us the rains just passed. We were able to preserve the effigy built by Ugat Lahi. It was a two-piece effigy, one of a sinking ship and the other of Gloria Arroyo flying away on a plane.

Commonwealth Avenue is larger now than it was last year. I counted nine lanes in some parts of it. That’s huge. When we were marching towards the rally site, we were blocked by the police at the EVER Gotesco Mall, in violation of an earlier agreement that we could hold the rally past EVER and nearer to the St.Peter’s church.

After some negtiations, we were able to march forward to the rally site. We filled up the entire 9 lines, and folks were really standing shoulder to shoulder.

The program had two parts, the earlier Bayan program and the PEOPLE’S SONA. Grace Poe Lamanzares gave a stirring speech that connected to many people at the rally site.

There were also performances form Chikoy Pura, Jess Santiago, rappers from Bayan USA and rappers from the Anakbayan chapter in Malabon! The rap group from Anakbayan-Malabon was particularly interesting, because they were community youth aged 15-16 and were part of a workshop organized by Alay, a San Francisco based youth organization on exposure here in the Philippines. The seven Anakbayan members performed on stage for the first time, in front of an audience of thousands. They were awesome.

Who else was at the rally? I saw former DOTC secretary Josie Lichauco, former VP Teofisto Guingona, AMRSP chair for women, Mo. Mary John Mananzan, OSB., the Philippine Nurses Association, Adel Tamano of the United Opposition, Rez Cortez of the FPJ group, and the thousands of ordinary workers, farmers, community folk and residents of Commonwealth who turned up to wathe and hear of the real state of the nation.

Unlike in a previous rally, we didn’t broadcast Arroyo’s SONA over the public address system. Only some of us with radios attempted to listen through the whole speech. I know I couldn’t sit through it all. What struck me was her effort to really make it appear that she cares. She kept repeating, “Nag-aalala ako para sa mga magsasaka….sa trabahador, sa nanay….sa estudyante… sa OFW”. Ewww… Her SONA had all the sincerity of her “I’m sorry” speech at the height of the Garci scandal last 2005.

Arroyo also spoke lengthily about the VAT and how keeping it is helpful for the poor. Duh? The poor have been carrying the burden of VAT on oil and power for more than two years now and for what? Some P500 one-time subsidy for electricty? The poor have paid more in terms of VAT than they ever received in terms of any subsidy. Arroyo says that to help the poor, we have to continue taxing them with the VAT. So this is what she meant by “nag-aalala ako para sa mga manggawa, estudyante, OFW…” . She cares for us enough to see us die slowly from oppressive taxes and high prices.

The rally ended past 5:00pm.That meant we were in the streets for a good 12 hours that day. After the rally, we all headed home to the Bayan office on board the 10-wheeler truck. It was sort of a Bayan tradition, riding the truck on our way home (though for some it was more of a necessity since it saves them transpo fare). There was like more than 50 of us on board the truck.

We thank the media for covering the event, some of them being there as early as 2:00 am.

We thank all the allies and friends who supported the activity in one way or another, including those who contributed food!

For our take on the Arroyo SONA, visit www.bayan.ph and check out our news releases and articles.

h1

On the Arroyo SONA

July 25, 2008

SObraNA!

Krisis at kahirapan sa ilalim n ng rehimeng US-Arroyo

Bagong Alyansang Makabayan Hulyo 2008

Ika-walong SONA na ni Gloria pero krisis ay lumala pa

Masyadong malala na ang inabot na pagkabulok ng rehimeng US-Arroyo.

Sumadsad ang “approval ratings” ni Gloria sa pinakamababang antas ng sinumang pangulo mula 1986. Nasa -38% ang popularidad ng pangulo dulot na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, krisis sa bigas at mapaniil na VAT. Hindi na nakabangon ang ratings ni Arroyo mula noong panahon ng dayaan sa eleksyon ng 2004, Hello Garci Scandal ng 2005, extrajudicial killings at alegasyon ng malawakan at malakihang mga kaso ng katiwalian.

Sa kabila nito, nagmamatigas pa rin ang administrasyon sa mga patakarang binabatikos na ng mayorya ng mamamayan bilang pahirap sa kanila. Isang halimbawa ang VAT sa langis, Sa kabila ng apela ng mga lider ng simbahang Katoliko at batikos ng mga mambabatas, ayaw pumayag ng rehimeng US-Arroyo na tanggalin ito dahil limpak ang koleksyon ng BIR mula sa VAT.

Hindi pa rin nakaka-alpas ang rehimen sa mga isyu ng katiwalian. Sariwa pa sa isip ng tao ang maanomalyang ZTE-NBN deal at inaabangan ang magiging testimonya ni dating House Speaker Jose de Venecia kung totoong isisiwalat niya ang kanyang nalalaman. Nagiging matunog din ang mga nakaraang kaso ng katiwalian tulad ng “Swine Scam” at ang Northrail contract.

Ang korapsyon sa panahon ng matinding krisis ay lalong magpapatindi sa galit ng mamamayan sa nakaupo sa Malacanang.

Ang pabigat na VAT ay binibigyang katwiran ng rehimen sa pamamagitan ng tinaguriang “subsidy” para sa mahihirap. Tinutuligsa ng marami ang pakanang ito bilang panandalian, di tunay na solusyon kundi panlilinlang at madaling mauwi sa korapsyon.

Nakakapanatili na lamang si Arroyo sa poder sa suporta ng mga heneral, big business (lokal na komprador kapitalista at dayuhang monopoly kapitalista), mga tagasunod at mga kaalyado sa lehislatura, sa local at pambansang pamahalaan at sa korte suprema.  . Nariyan pa rin ang suporta, ayuda at panunulsol ng US sa rehimen dahil sa masugid nitong pagtupad sa mga maka-imperyalistang polisiya, kabilang ang neo-liberal na globalisasyon at ang “gera laban sa terorismo”.

Desperado ang rehimeng Arroyo na bigyan ng “laman at sustansya” ang kanyang darating na SONA. Hindi kumagat ang islogan nilang “Ramdam ang kaunlaran” dahil sa tindi ng krisis. Hindi rin pinapaniwalaan ang islogan nilang “Labanan ang kahirapan” dahil hindi nga sapat ang mga ginagawa ng gobyerno para bigyang lunas ang krisis o kahit man lamang ibsan ang epekto nito. Naghahabol ng maaaring gamiting palusot si Arroyo sa gitna ng maraming mga bigong pangako at maling patakaran.

Sa huli ay mauuwi ang talumpati ni Arroyo sa litanya ng mga di-umanong “accomplishment” na walang batayan sa realidad, pawing kasinungalingan o kaya’y pinakikinabangan ng iilang naghahari. mamamayan,  kasabay ang mga planong “dole-out” at subsidyong ginagawa na sa kasalukuyan.

Kahirapan, di pag-unlad

Sa likod ng diumano’y paglago ng Gross Domestic Product, patuloy naman ang pagtindi ng kahirapan ng maraming Pilipino. Sa pinakahuling ulat ng NSCB, lumaki ang bilang ng mahihirap ng 3.8 milyon sa pagitan ng 2003 at 2006. Sa taya mismo ng gobyerno na malamang minemenos pa, umaabot na sa 27.6 milyon ang bilang ng mahihirap (o 33% ng populasyon) mula sa dating 23.8 milyon (30% ng populasyon).

Tandaang napakababa ng pamantayang ginagamit ng gobyerno upang sukatin ang kahirapan. Halimbawa, noong 2006, kailangan lamang daw ng isang pamilyang may limang kasapi ng P206 kada araw upang huwag maituring na mahirap. Napakalayo nito sa tinataya namang halagang kailangan ng isang pamilyang may parehong bilang ng kasapi na P894 kada araw upang mabuhay nang disente (i.e. batay sa family living wage ng NWPC) kung sa NCR. Kaya higit na marami pa ang maituturing na naghihikahos kumpara sa opisyal na datos ng gobyerno. Sa hiwalay na pagtaya, maaaring umabot sa 8-9 sa bawat 10 pamilya ang maituturing na mahirap.

Sinusukat lamang ng mga macroeconomic indicators gaya ng gross domestic product (GDP) growth ang paglago ng produksyon ng ekonomya sa loob ng isang takdang panahon. Pero hindi nito ipinapakita kung paano naipapamahagi ang yamang nililikha ng ekonomya upang pakinabangan ng higit na nakararami. Naipapamahagi ang yamang ito sa pamamagitan ng paglikha ng produktibo at sapat na bilang ng mga trabaho, pagseguro ng disenteng sahod at kita, maaasahang panlipunang serbisyo at iba pa. Pero ang mga ito rin mismo ang hindi tinutugunan ng rehimeng US-Arroyo.

Kawalan ng trabaho

Lumalala ang krisis sa kawalan at kakulangan ng trabaho sa bansa. Sa pinakahuling ulat ng NSO, mahigit 16 milyong manggagawang Pilipino (o halos 28% ng labor force) ang wala o kulang ang trabaho. Dinadaya pa nga ng gobyerno ang pagsukat sa kawalan ng trabaho dahil sinadya nitong baluktutin ang depinisyon ng empleyo upang itago ang tunay na kalagayan ng job scarcity sa bansa. Samantala, ang labor force participation rate (LFPR) na 63.2% noong April 2008 NSO survey ay siyang pinakamababa mula noong 1995.

Hindi nakakalikha ng sapat at produktibong trabaho ang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunang Pilipino. Ibayong pinalolobo ang bilang ng walang hanapbuhay ng patuloy na pagkawasak ng mga industriya sa bansa at patuloy na konsentrasyon ng mga lupang sakahan sa kanayunan. Sa April 2008 survey ng NSO, iniulat nitong umabot sa 168,000 netong trabaho ang nawala mula sa parehong panahon noong 2007 dahil sa 244,000 na nawalang trabaho sa industriya. Samantala, anumang trabaho ang nililikha ng ekonomya ay batay sa kung ano ang pangangailangan ng dayuhang pamumuhunan at hindi sa kung ano ang aktwal na pangangailangan ng ekonomya.

Bukod pa rito ang mga nalilikhang trabaho na di-produktibo, walang seguridad at napakababa ng kita gaya ng pangangatulong, pagtitingi, at iba pa dahil walang trabahong malikha ang industriya at agrikultura. Katunayan, halos 50% ng bilang ng may hanapbuhay sa bansa ang nasa sektor ng serbisyo kunsaan kabilang ang ganitong tipo ng mga trabaho gayundin ang mga negosyong call center at iba pa na siyang pinapaboran ng mga dayuhang imbestor.

Krisis pangkabuhayan

Hindi rin nakakatiyak ng disenteng pamumuhay ang mga Pilipinong may hanapbuhay. Nananatiling napakababa ng minimum wage at patuloy na iniiwanan ng umaalagwang pagtaas ng halaga ng pamumuhay. Sa NCR, umaabot lamang sa P345 hanggang P382 ang arawang minimum wage kasama na ang COLA, malayo sa itinuturing na ”living wage” na P894 kada araw.

Pumapatong sa kawalan ng hanapbuhay, disenteng sahod at kita at pangkalahatang pagkaatrasado ng ekonomya ang napakatinding pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na bunga ng pagsasamantala ng mga dayuhan at lokal na monopolyo, maling patakaran ng gobyerno at mga pahirap na buwis gaya ng VAT.

Bunga halimbawa ng Oil Deregulation Law (RA 8479), hindi mapigilan ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Mula nang ipatupad ang ODL, tumaas na ang presyo ng diesel, 738%; gasoline products, 554-572%, at LPG, 499%. Ngayong taon lamang, 19-20 ulit na OPH ang naitala na nagpataas sa presyo ng gasolina ng P19 kada litro; diesel, P24 kada litro; at kerosene, P22.50 kada litro. Mahalagang tumbukin din na mayroon mang OPH o wala, dati nang artipisyal na mataas ang presyo ng langis bunga ng pag-iral ng pandaigdigang kartel sa langis.

Pero pinalala pa ito nang patawan ng rehimeng US-Arroyo ng 12% VAT ang langis (RVAT Law) mula noong Nobyembre 2005 sa dikta ng IMF. Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit P7 kada litro ang kuleksyon ng gobyerno sa VAT. Kailangan ng bangkaroteng rehimeng US-Arroyo ang VAT upang matiyak sa mga dayuhang creditor na patuloy itong makakapagbayad ng utang.

Magkasabwat ang rehimeng US-Arroyo at mga kumpanya ng langis sa pagpapahirap at pagpiga ng pakinabang sa mamamayan – ang gobyerno sa VAT sa langis at ang mga oil firms sa lumalaking tubo bunga ng OPH. Sa taya ng Kontra-KulimVAT, sa kada P1 kada litro na OPH, lumalaki ang koleksyon ng gobyerno mula sa VAT ng P5.5 milyon kada araw. Ipinapaliwanag nito ang pagmamatigas ni Arroyo sa VAT sa langis.

Upang bigyang katwiran ang VAT sa langis, ipinangangalandakan ng rehimeng US-Arroyo ang subsidy program nito na pinupondohan ng lumalaking koleksyon ng gobyerno mula sa VAT sa langis. Kabilang dito ang inanunsyong P4 bilyon na subsidyo (P1B power subsidy; P1B microfinancing para sa asawa ng mga tsuper at konduktor; P500M karagdagang benepisyo para sa mga senior citizens; P1B para sa mga lalawigang tinamaan ng kalamidad). Ngunit walang makabuluhang pakinabang dito ang mamamayan dahil sa bukod sa lubhang maliit, hindi rin ito naipapatupad sa buong bansa.

Samantala, kung aalisin ang VAT sa langis, agad na bababa ang presyo ng diesel ng hanggang P7.07 kada litro; gasolina (P6.93 hanggang P7.46); kerosene (P7.20); at LPG (P88.62 kada 11-kg tangke). Para sa mga tsuper, maaring madagdagan ang kanilang kita ng mahigit P212 kada maghapong pamamasada; tricycle driver, P29 kada pasada; maliit na mangingisdang gumagamit ng bangkang de-motor, hanggang P69 kada pangingisda. Ilan lamang ito sa mga kongkreto at direktang pakinabang ng ordinaryong mamamayan kung aalisin ang VAT sa mga produktong petrolyo.

Krisis sa bigas

Bunga naman ng patakarang liberalisasyon ng agrikultura at pribatisasyon ng NFA, hindi mapigilan ng gobyerno ang pagsasamantala ng kartel sa bigas. Balewala at pakitangtao lamang ang panapanahong raid na ginagawa nila sa mga warehouse ng mga rice wholesalers. Sa ilang bahagi ng Mindanao, umabot pa sa P50 kada kilo ang retail price ng bigas at walang palatandaang nag-iistabilisa ang presyo nito sa buong bansa. At kahit maging istable, sinasabi na ng NFA na nasa napakataas na P35-37 range ang magiging presyo ng commercial rice, malayung-malayo na sa P24-28 (maliban sa fancy) na presyo noon lamang Disyembre 2007.

Mula Disyembre 2007 hanggang nitong ikatlong linggo ng Hulyo 2008, tumaas ang retail price ng regular milled rice sa NCR ng 50%; well milled rice, 46%; at premium rice, 43 percent.

Patuloy na pagsandig sa importasyon at liberalisasyon ang tanging solusyon ng NFA sa krisis sa bigas at itinaas pa sa 2.4 milyon MT ang target nitong angkatin ngayong taon mula sa dating 2.1 milyon MT. Ginagamit din nitong palusot ang krisis sa bigas upang ituluy-tuloy ang pribatisasyon ng NFA at hikayatin ang mga pribadong trader na mag-angkat ng bigas. Lalo nitong pinalulubha ang kawalan ng seguridad sa bigas ng bansa habang ibayong pinalalakas ang lokal na kartel sa bigas.

Pagsirit ng presyo

Sa pangkalahatan, pumitik sa 11.4% ang inflation rate nitong Hunyo, pinakamataas sa loob ng 14 na taon. Itinulak ito nang husto ng 17.4% pagtaas ng presyo ng pagkain na bumubuo sa mahigit kalahati ng badyet ng isang pamilya.

Pinatitindi ng pagtaas ng presyo ang kahirapan sa bansa lalo’t sa kalagayang marami ang walang trabaho at kulang na kulang ang kita. Sa pag-aaral, halimbawa, ng ADB, sa bawat 10% pagtaas sa presyo ng pagkain, 2.3 milyon ang madadagdag sa bilang ng mahihirap. Sa kasalukuyang bilis ng pagtaas ng presyo ng bigas lamang, tinatayang madaragdagan ang bilang ng mahihirap ng 660,000. Samantala, sa bawat 10% pagtaas sa presyo ng langis, 160,000 Pilipino ang nadaragdag sa bilang ng mahihirap.

Pinahihirapan na nga ng husto ng kawalan ng maasahang programang lilikha ng trabaho, na pagpapanatili ng mababang sahod at kita, matinding pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pabigat na VAT, wala pang maasahang panlipunang serbisyo mula sa rehimeng US-Arroyo. Mula 2001 hanggang 2008, halos 28% ng taunang pambansang badyet ang inilalaan sa interest payments pa lamang samantalang napakaliit ng nakalaan para sa edukasyon (15%); kalusugan (1.7%); at pabahay (0.3%).

Sa halip na panlipunang serbisyo, karahasan at pagpapalayas ang dinaranas ng anakpawis at maralita sa kamay ng rehimeng US-Arroyo. Ayon sa tinipong datos ng KADAMAY, halimbawa, mula July 2007 hanggang February 2008, aabot na sa 24 na kaso ng demolisyon ang naitala sa NCR pa lamang na nagpalayas sa may 12,345 pamilya bukod pa sa 2,650 kabahayan.

Papanagutin ang rehimeng US-Arroyo

Walang aasahan ang mamamayan sa darating na SONA ni Gloria kundi pawing kasinungalingan.

Ipinapakita ng kasalukuyang sumasahol na kalagayan na dapat nang tapusin ang paghahari ng pahirap, korap, tuta at pasistang rehimeng US-Arroyo. Hindi dapat tiisin pa ng dalawang taon ang isang bulok na pamamahala.

Dapat managot ang kasalukuyang rehimen sa pagkawasak ng kabuhayan at pagdarahop ng milyun-milyong Pilipino.

Dapat managot ang rehimen sa patuloy na pandarambong sa kabang-yaman, ekonomya at patrimonya ng bansa sa gitna ng matinding krisis at kahirapan dinaranas ng mamamayan.

h1

Surviving the G-8 in Japan

July 19, 2008

We joined the G-8 protests in Hokkaido, Japan last from July 6-9.  We survived four days of gruelling marches in the countryside, continuous surveillance from the police and many other restrictions from the Japan police. There were delegates from the Philippines, United States, Korea and Taiwan. Several Korean delegates were prevented from entering Japan.

Upon arrival in Chitose Airport in Hokkaido, we were already subjected to surveillance by the police. We were trailed across three cities by agents in civilian clothes. Sometimes we even had two cars following us.

An Agence France Presse report noted that Japan was on lockdown for the G-8.

It wasn’t an exaggeration.

Public places, including train stations and subways were crawling with police. They even banned the use of garbage cans and lockers for fear that these would be used for the planting of explosives.

In Hokkaido, there were police buses on almost every street corner. The police blanket extended to the countryside.

We pitched camp in Date (Da’-te) City, some two hours from Sapporo City. We stayed in a big open field for grazing cattle. We had tents and sleeping bags. There was no electricity in the field. No water sources. Just grass. The only place with electricity and water was this house some 200 meters from where we were staying.

Despite the difficult conditions, we had fun in our camp. The food was ok and quite health in fact. We had discussions, rally preps and sharing of experiences.

We attended a ritual from the Ainu people, an indigenous group fighting for self-determination.

The only amenity we had was a public bath near the camp, one that had hot springs inside. Of course by public bath, it is meant that people tooka bath collectively. Hehe, it was a whole new experience for many of the foreign delegates.

Our day started early. We were at the rally site as early as 7:30 am. Rain or shine, we were determined to push through with the protests.

We were like hotdogs during the march — a long line of protesters sandwiched between two lines of policemen. We moved like a funeral march, excruciatingly slow because the police were the ones dictating the tempo.

For three days we marched in the Hokkaido countryside. The residents warmly welcomed us. It seemed the G-8 wasn’t that popular among the locals, especially the Ainu folks.

We denounced the G-8 for their policies that have resulted in economic ruin for many poor countries. Neo-liberal globalization has allowed oil monopolies to raise prices with impunity. The same policy has destroyed agriculture in countries like the Philippines. The drive for profit has also resulted in greater destruction of the environment. The culprits in global warming are the imperialist powers themselves.

The ILPS and BAYAN flags were raised in Toyako City along side streamers from ANSWER, Labor Rights Alliance in Taiwan and the Asia Wide Campaign of Japan.

Our group of foreign delegates left the camp site satisfied with the work we did. We were all in high spirits.

On our way home, the entire highway going to the airport was closed to the public because it was reserved for G-8 delegates. It took us four hours to travel what used to be just two hours going to Sapporo City. Aaaargh!