Belo Commission, buuin na

Posted: February 26, 2007 in Not-so-serious

Hindi ko kinaya ang Rated K nung Sunday kung saan lumabs si Kris Aquino at James Yap. Talagang pinagkakaguluhan ng buong bansa ang kontrobersya kay “Hope”, isang nagtatrabaho sa clinic ni Dr. Vicki Belo. Madami nang iyakan, alegasyon at patutsadahan ang nangyari nitong weekend. Mag-isa akong kumain sa mesa dahil buong pamilya ko pati misis ko ay nanonood ng Rated K.

Kaya nagmumungkahi at nananawagan na kami ng kaibagan kong si Gerry, para matigil na ang kontrobersya, buuin na ang Belo Commission.

Para sa mga tao na nasa state of denial pa rin…. sonnamagun, frontpage news sa PDI ang marriage na di natin akalain na nayayanig ng kontrobersya…

Opo, sana walang whitewash o ano pang facial wash ang Belo Commission…

Sa puntong ito, baka may gusto kayong i-nominate… ibigay nyo din ang qualifications kung bakit dapat. Syempre, di na pwede ang mga taga-NBI, DOJ at Popular Bookstore along Tomas Morato… baka kasi sabihin na hindi independent…

Comments
  1. atomicgirl says:

    every time kris aquino does something, it’s all over the papers!

    hay… kailan kaya ako nito masasanay?