Why we watch the awesomeness of IISA PA LAMANG…

Posted: October 2, 2008 in Not-so-serious
Tags: , , , ,

Tune in everyday to watch the awesome exchanges, snappy come-backs, and crazy retorts.

Below are just some of our favorite quotes:

During their encounter at the sala of the judge handling the land dispute

Aura: Kung ako sa iyo, magbalot-balot ka na, at malapit ka nang mapatalsik sa Amadesto
Isadora: Kahit kelan di mo ako mapapaalis sa Amadesto. Aking ang lupang iyon…
Aura: Lupa lang ba ang gusto mo? Ilang paso ang gusto mo?
Isadora: Haciendera ako Aura, hindi hardinera…
Isadora: Isa ka lang dumi sa paningin ko.
Aura: Tandaan mo, balang araw, itong dumi na ito ang pupuwing sa iyo
Isadora: Eh di magsi-shades ako…

Sa bahay ni Isadora

Estelle (Laurice Guillen) – Nagbago na isip ko sa pagbili ng hacienda
Isadora (Cherry Pie): Sige na Mare….presyong kaibigan naman…may kasama pang kabayo….
Estelle: Eh talaga namang may kabayo dun….
Estelle: Wala akong alam sa pagpapatakbo ng hacienda
Isadora: Mare tutulungan kita. May mga seminars, workshops naman….pwede kita samahan.

Nato: San yung workshop?

Nang malaman ni Miguel na payag na si Scarlett sa annulment, niyaya ni Miguel si Katherine na mag-inuman….

Katherine: Sige isang baso lang… para patunayang wala na akong gusto sa iyo.

Nato: Di ba weird na ikakasal na yung isa, nakuha pa nila mag-inuman at mag-ungkatan ng nakaraan nila (na siya namang malimit mangyayari pag nag-iinuman)?

Miguel to Scarlett
Miguel: Lagi mo sinasabing karma’s a bitch. Look what happened… Na out-karma ka na, na out-bitch ka pa.

Habang kausap ang abogado niya
Isadora: Pesensya na, perfect ako…nagkakamali din

Isadora (Cherry Pie): Di pwedeng mawala sa akin ang (hacienda) Amadesto. Di pwedeng mapunta yun kay Aura (Susan Roces). Anong gagawin nya dun? Home for the aged?

Scarlet: Whore!
Catherine: Adulterer!
Scarlet: Home-wrecker!
Catherine: Slut!
Scarlet: Black widow!
Catherine: Desperate housewife from hell!

the exchange was followed by hair-pulling and shoving on the stairs.

Scarlet (Angelica Panganiban) – “From now on, I won’t settle for second best…for I am the best.

Katherine (Claudine Barretto): “Pag napatunayan kong may kinalaman ka sa pagkamatay ng aking ama, papatayin kita!”
Isadora (Cherry Pie Picache): “Pumila ka!”

Isadora: “Oh aren’t you excited to see me?”
Scarlett: “Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?”
Isadora: “Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I’m so witty”
Scarlett: “Ano ba talagang pakay mo? I’m sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?
Isadora: “Oo, at napaka disenteng monkey business. Politics.” –

Katherine: “Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo lahat sa kanya. Mata-pobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!”
Sophia: “Don’t you dare say bad things about my mother, kumpara sa ‘yo. anghel ang ina ko!”
Katherine: “Anghel na may sungay!” –
Sophia: “Oo, may sungay. Para suwagin ka! Para mauna ka na sa impyerno!” –
Katherine : “Hmm. Matagal-tagal na kayong inaantay dun. In fact, balita ko, si Satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina!” –

Katherine: “Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa’yo!”

Isadora: “Pwede ba Katherine wala akong panahon makipagbalagtasan sayo ..tapos na linggo ng wika noh.. di ka ba naabisuhan?”

Comments
  1. Ina says:

    This is insane! I almost fell off my chair laughing when I read this!

  2. in the words of the kung fu panda:

    “there’s no charge for awesomeness….”

    this is one of those things.

  3. […] Tonight’s episode of IISA PA LAMANG has more to do with revelations and incidents rather than awesome dialogues between insane […]

  4. Regine says:

    i was looking for this kind of quotes :))
    classic!