Minsan napagkakamalan…

Posted: May 4, 2014 in All in a day's work, Uncategorized

Sa gawain ko sa org, minsan din akong napagkakamalang ibang tao. Heto ang ilan sa mga nakakatawa at nakakatuwang halimbawa. #truestory

1. TV/Radio talent – Minsan sa jeep may lumapit at nag-abot ng maliit na papel, “Ser, pakibati naman misis ko sa programa nyo,” sabi nung tao. “Ano po, wala po akong programa,” sagot ko. “Ah hindi po ba kayo si Joe D’ Mango?” sabi nya.

2. “Reporter po ba kayo?” – Madalas mangyari ito. It raw yung Joseph Morong effect o di naman kaya’y epekto lang ng malabong signal sa TV.

3. “Uy, si Teddy Casino” – Marahil dahil si Teddy ay talagang kilalang lider masa, “Teddy Casino” na rin ang generic na katawagan sa ilang mga aktibista. Ika nga, household name.

4. “Si ano yan, sa Anakbayan/ Akbayan / Anakpawis / Bayan Muna etc” – Madalas na reference ang militanteng organisasyon na kinakatawan natin, kahit minsan hindi eksakto yung pangalan ng organisasyon. Nakatatak na kasi sa isipan ng madla ang mga grupo, dahil na rin sa ilang dekadang pakikibaka. Dun lang sa pangalawa ako di matunawan. Isang malutong na “HINDI PO!”

5. “Bakit po wala kayong security? Di ba congressman kayo?” – Hindi po, aktibista lang po.

6. Basketball player – Minsan sabi ng security sa checkpoint ng UP, “Di ba basketball player kayo?” Nasa loob kasi ako ng sasakyan. Kung bumbaba siguro ako, nagbago isip nya.

7.  Sorry po wrong number – Minsan may tatawag para sa interview. “Hello po, pwede po makausap si Fr. Robert Reyes?” Meron ding malupet na “Hello, ito po ba si Chief Justice Renato Corona?”

8. “Magkasama/classmate/kapitbahay tayo sa …” – Minsan may makakasalubong at mag-uusap kayo sa inaakala mong shared experience ninyo. Babatiin ka ng “Uy kamusta na? Dun ka pa rin sa inyo?” etc. Saka mo maiisip na hindi pala kayo pareho ng pinag-uusapan, na hindi pala kayo classmate/kapitbahay/ka-probinsya etc. Awkward.

 

Sa mga pagkakataong ito, isa lang ang magiliw kong sagot. “Sa BAYAN po ako.”

“Ang BAYAN po ay isang alyansa ng iba’t ibang organisasyon. Iba pa po ito sa Bayan Muna na isang partylist group,” ang madalas ding dagdag na paliwanag.

Bukas Mayo 5 ang ika-29 na anibersaryo ng organisasyong ito. Maligayang kaarawan sa Bayan, ang Bagong Alyansang Makabayan!

Comments are closed.