UPDATE sa ating Petisyon sa SC kontra sa MRT-LRT fare hike

Posted: January 7, 2015 in Uncategorized

Naka-recess pa ang SC ngayon, pero na-raffle na sa handling Justice ang ating Petisyon noong Enero 6. Hinihintay ngayon ang rekomendasyon ng Justice na ito kung dapat ba o hindi na maglabas ng TRO si Chief Justice Sereno. Mahalaga ngayon ang malakas at malaganap na protesta para mapalakas ng opinyong publiko kontra sa fare hike. Ito ang susi para maitulak ang Korte na maglabas ng TRO para kagyat na pigilan ang fare hike. Pinapanawagan din natin na dapat kagyat na ilabas ang TRO dahil sa walang refund ang mga komyuter kung mapatunayang labis o walang batayan ang pamasaheng kanilang binayaran. Hindi na natin mababawi pa yung ibinayad nating sobrang pasahe.

Kung hindi natin makuha nag TRO ngayong linggo, babantayan naman natin ang unang en banc session sa Enero 13, ang muling pagbubukas ng sesyon ng SC. Dito ay ipapanawagan natin sa SC na ilabas ang TRO kontra sa fare hike.

Ang ligal na laban ay tumutulong at naglilingkod sa pagpapalakas ng kilusang protesta, habang ang papaigting na protesta ang nagpapalakas sa tsansa ng ating ligal na laban.

Tuloy-tuloy lang sa panawagang ibasura ang fare hike. Tuloy-tuloy lang ang protesta! Magkikita tayo sa SC sa Enero 13!

Download the petition Bayan v. Abaya – MRT LRT fare hike petition

Comments are closed.