Bakit kailangan si Neri Colmenares, #FighterNgBayan, sa Senado?

Posted: September 30, 2015 in Uncategorized

neri

Talumpati sa paglulunsad ng Neri for Senator Movement

Setyembre 1, 2015

Bakit mahalagang madala si Neri sa Senado? Ano ba ang kabuluhan nito sa nakararaming Pilipino?

Ang kampanya ni Neri ay laban natin para magkaroon ng boses at kinatawan sa senado ang mamamayan, ang mga ordinaryong taong walang boses sa gobyerno.

Ito ay laban ng mga manggagawang nag-aasam ng makatwirang sahod at benepisyo;
ng mga magsasakang hangad ay lupa; ng mga kabataang umaasa ng mas magandang bukas.

Laban na ito ng bawat isang commuter na araw-araw nakipagsiksikan at pinagpapawisan sa pila sa MRT

Laban ito ng bawat isang consumer na pundido na sa pandaraya at palpak na serbisyo ng mga malalaking kumpanya

Laban ito ng bawat isang OFW na nakaramdam ng kapabayaan ng gobyerno.

Laban ito ng bawat isang taxpayer na sawa na sa kurapsyon, sawa na sa dating gawi sa pulitika, sa dating kaayusan at bulok na sistema.

Laban ito ng mga ordinaryong tao na nangarap na magkaroon ng kinatawan sa gobyerno mula sa kanilang hanay

Laban ito ng lahat ng nag-asam ng tunay na pagbabago.

Laban ito ng lahat ng Pilipinong sumisigaw nang- “Wala na bang iba? Lagi na lang kayo? Taumbayan naman sa Senado!”

Mga kababayan, mga kapatid, sa kalye-serye ng tunay na buhay, ngayon na ang tamang panahon!

Mga kababayan, tayo na po sa Pagbabago! Dalhin natin si Neri sa Senado!
‪#‎SendNERI2Senate‬ .

Comments are closed.