Last 2 Minutes: Mga kwestyunableng kontrata sa tren sa pagtatapos ng gobyernong Aquino

Posted: October 20, 2015 in Uncategorized

dfc30173c2d819d8706f018f2ef5d63e

Nasa huling buwan na ang administrasyong Aquino. Tila minamadali ng DOTC ang iba’t ibang mga kwesyunableng kontrata kaugnay ng mga tren. Tila niraratsada ang mga kontrata para pagtakpan ang kapalpakan ng nagdaang 5 taon at tiyaking kikita ang mga opisyal sa tinaguriang “last two minutes” ng rehimeng Aquino.

  1. Ang P4.2 bilyon “emergency” rehabilitation contract para sa MRT 3 na tatagal nang 3 taon. Siktreto ang ginagawang negosasyon dito. Pinilit na gawing “emergency” procurement gayong matagal nang alam na kailangan ng upgrade at katunayan ay may nakalaan na sa pambansang budget para dito. Di rin pwedeng sabihing emergency ang kontrata na tatagal ng 3 taon. Di na sana umabot sa ganitong sitwasyon kung tinupad lang ng mga naunang maintenance providers na kinontrata ng DOTC ang kanilang obligasyon. Ang mga naunang maintenance providers ay sinasabing may mga ugnayan din sa Liberal Party ni Sec. Abaya at Pangulnog Aquino. Ang rehab contract na ito ang sinasabing mag-aayos ng 54 LRVs (light rail vehicles, or coaches), magpapalit ng signaling system, at iba pang pangangailangan.
  1. Ang P160 milyon na bagong “rail grinder” na minsan lang sa isang taon kung gamitin, at dapat ay kasama na sa mga serbisyong dapat igawad ng mananalo sa naunang P4.2 bilyon na rehab contract sa taas. Kumbaga, nagdoble ng gastos ang DOTC para dito. Dagdag pa, may rail grinder ang LRTA na pwede sanang hiramin na lang para sa gamit ng MRT 3.
  1. Ang P53.4 milyon para sa pitong buwan na upgrade ng MRT 3 signaling system, na kinalaunan ay papalitan din nang buo sa ilalim ng P4.2 bilyon na rehab contract. Muling nagsasayang ng pera ang DOTC sa kontratang ito.
  1. Ang Operations and Maintenance contract para sa LRT 2. Nagsisimula na ang proseso ng bidding para dito at inaasahang magkakaroon ng award of bid sa Enero 2016. Ito sa esesnya ay isang service contract pero pinapalabas ng DOTC na PPP. Ang LRT 2 ay mula Santolan hanggang Recto at ang karamihan ng sakay ay mga estudyante. Babayaran ng gobyerno ang mananalong bidder para magsagawa ng maintenance works at mag-operate ng tren. Sa pribadong grupo din mapupunta ang lahat ng kita sa commercial development na may kaugnayan sa LRT2. Makakakuha din ito ng bahagi ng kita sa ticket bilang incentive. Tatagal ng 10 taon ang kontrata, renewable ng 5 taon. Hindi nalulugi ang LRT2 pero gusto ng gobyerno na isapribado ang O&M nito. Kwestuynable din na DOTC at hindi ang LRTA ang nangunguna sa negosasyon, taliwas sa charter ng LRTA.
  1. Mga bagong inaprubahan ng Pangulo na PPP sa tren. Kasama dito ang linya ng LRT 6, na tatakbo ng 19 na kilometro at dadaan ng Cavite. Tintatayang aabot ng P64.71 bilyon ang halaga ng proyekto. Nariyan na rin inaabangan ang LRT 4 mula Edsa-Ortigas hanggang Taytay, Rizal. Ang proyekto ay tinatayang aabot sa P42.89 bilyon.
  1. Ang 7 bilyon na South Line ng North-South Railway Project (NSRP), ang tinuturing na pinakamalaking PPP sa transportasyon. Ang bidding ay magbubukas sa Enero 2016 at inaasahan ang awarding sa Marso 2016 o 2 buwan bago ang eleksyon. Tatagal ng 34 taon ang kontrata.
  1. Ang contract para sa 120 bagong bagon ng LRT 1 na pindondohan ng JICA. Tanging mga kumpanyang Hapon lang ang maaaring lumahok sa bidding ng proyekto. Sa Disyembre 14, 2015 ang itinakdang petsa ng pagsumite ng opening bid para sa kontrata. Bagama’t ito ay utang ng gobyerno, hindi inilalabas ng DOTC ang halaga ng proyekto, alinsunod diumano sa procurement rules ng Japan. Ang LRT 1 ay nasa operasyon na ng mga pribadong kumpanya ng LRMC at lahat ng kita nito ay sa pribadong consortium na napupunta. Kaya kataka-taka na ang gobyerno ang uutang at gagastos para sa mga bagong tren, habang ang kita ay sa pribadong kumpanya napupunta.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring kalinawan ang P3.8 billion kontrata para sa 48 bagong bagon o LRVs mula sa China Dalian Rolling Stock and Locomotive Corp. Dumating ang prototype pero walang makina. Hindi pa rin matesting ng kinakailangang 5,000 km run. Darating daw sa Nobyembre ang makina pero hindi malinaw kung paano magagawa nag test run na nasasaad sa kontrata. Hindi malinaw kung matutupad ang pangako ng gobyerno na simula Enero ay magagamit na paunit-unti ang mga bagong bagon na darating.

Laging sinasabi ng DOTC na kaya may PPP ay dahil sa a) walang pera ang gobyerno at b) hindi efficient ang gobyerno. Pero nakita naman natin na panay ang ambag ng gobyerno ng pera, at anumang inefficiency, palpak at lugi ng pribadong kumpanya, gobyerno pa rin ang aako. Lumalabas na ang mga nasa gobyerno, mula’t sapul ay kasabwat ng mga malalaking negosyo sa pagpapahirap sa tao.

Ang PPP sa tren sa ilalim ng gobyernong Aquino ay nagpataw sa mamamayan ng napakaraming pasanin, mula sa mas mataas na singil sa pasahe, hanggang sa bilyon-bilyong sovereign guarantee na papasanin natin sa loob ng ilang dekada. Masaklap pa, ang mga “last two mintues” na kontrata, sa panahon ng kasagsagan ng halalan, ay lumilikha muli ng suspetsa ng kurapsyon para sa eleksyon. Muling pinatunayan na sa PPP, negosyo, hindi serbisyo ang pangunahing konsiderasyon. ###

MRT-2_J._Ruiz_Station

Comments are closed.