Download PowerPoint: Peace Talks 101

Posted: August 19, 2016 in Uncategorized

wp-image-459126499png.png

You may download the PowerPoint presentation on the peace talks via this link. This was presented at the August 18, 2016 forum of ACT for Peace at the Polytechnic University of the Philippines.

ANO ANG PEACE TALKS NG GPH AT NDFP?

  • Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at NDFP ay naglalayong tapusin ang armadong tunggalian na nagaganap sa buong Pilipinas sa pagitan ng GPH at mga pwersa ng CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan ng pag-lutas sa ugat ng armadong tunggalian

 

BAKIT BA MAY ARMADONG LABANAN?

  • Mula 1969 hanggang kasalukuyan ay may nagaganap na armadong labanan sa bansa sa pangunguna ng CPP-NPA-NDF
  • CPP – Communist Party of the Philippines, ang namunong organisasyon sa rebolusyonaryong pakikibaka
  • NPA– New People’s Army o ang hukbo na naglulunsad ng armadong pakikibaka
  • NDFP – ang alyansa ng mga rebolusyonaryong pwersa na humaharap sa gobyerno ng Pilipinas (GPH) sa peace talks
  • Kahirapan, kawalan ng soberanya, kawalan ng tunay na pag-unlad, pang-aapi at pagsasamantala ang mga dahilan kung bakit may armadong labanan.
  • “It’s the ideology they believe in. They’re fighting because they want a better chance for the people.”-Pres. Rodrigo Duterte

ANO ANG PINAG-UUSAPAN SA PEACE TALKS?

  • May apat na substantive agenda ang peace talks. Kailangang munang makamit ang mga kasunduan kaugnay sa mga ito para matapos ang armadong labanan.
  • HUMAN RIGHTS AND INTERNATIONAL HUMANITARIAN LAW
  • SOCIO-ECONOMIC REFORMS
  • POLITICAL AND CONSTITUTIONAL REFORMS
  • DISPOSITION OF FORCES AND CESSATION OF HOSTILITIES
  • Kapag natapos na ang mga kasunduan sa unang tatlong usapin saka pa lamang mapag-uusapan ang pagbababa ng armas ng mga rebolusyonaryong pwersa.
  • Sa ngayon ay napirmahan na ang unang kasunduan ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

 

ANO ANG CEASEFIRE?

  • Ito ang pansamantalang pagtigil ng labanan para sa mga depinidong layunin at kunsiderasyon. Maari itong magkahiwalay na ideklara ng dalawang panig sa labanan. Maaari ding itong pagkasunduan ng dalawang panig.
  • Hindi pa ito nangangahulugan ng pagtatapos ng armadong labanan dahil hindi pa nalulutas ang ugat ng armadong labanan. Hindi rin ito rekisito sa peace talks pero maaaring magkaroon nito para mapaganda ang klima ng pag-uusap

 

ANO ANG POLITICAL PRISONERS?

  • Bahagi ng pinag-uusapan sa peace talks ang kalagayan ng mga political prisoners o bilanggong pulitikal. Sila ang mga nakapiit dahil sa sinampahan ng mga gawa-gawang kaso bunga ng kanilang pampulitikang paniniwala.
    • Hindi makatarungan ang pagkakapiit sa kanila bunga ng mga gawa-gawang kaso
    • May obligasyon ang gobyerno na itaguyod ang karapatang pantao sa ilalim ng CARHRIHL
    • Ayon sa JASIG, ang mga NDFP consultants ay dapat protektado mula sa pag-aresto, surveillance at harassment
    • Makakatulong sa usapang pangkapayapaan ang pagpapalaya sa kanila

 

BAKIT NGAYONG NAGPAPATULOY ANG PEACE TALKS?

  • Ngayon lamang matutuloy ang peace talks matapos ang pagkabahura nito sa panahon ni Arroyo at Aquino.
  • Sa loob ng 15 taon ay walang naging makabuluhang pag-usad ang usapang pangkapayapaan.

 

 

PAANO NASUSUKAT ANG SINSERIDAD AT KASERYOSOHAN SA PEACE TALKS? 

  • Pinakamainam na sukatan ay ang pagpupursige sa pagbubuo ng mga kasanduan (human rights, socio-economic reforms, political and constitutional reforms, disposition of forces) dahil dito nakasalalay ang paglutas sa ugat ng armadong tunggalian.
  • Sukatan din ang pagtataguyod sa mga nauna nang kasunduan.
  • Hindi basta-basta dapat madaliin. Hindi rin masusukat sa simpleng ceasefire lang.
  • Ang hangad natin ay kapayapaan na nakabatay sa katarungang panlipunan.

 

 

BAKIT KAILANGANG SUPORTAHAN ANG PEACE TALKS?

  • Lahat tayo ay may pakinabang sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan
  • Pag-uusapan sa peace talks ang mga problema ng karaniwang mamamayang Pilipino – kabuhayan, karapatan, lupa, kalayaan.
  • Ang peace talks ay isang larangan para isulong ang PAGBABAGO

 

Para sa dagdag na impormasyon, maaaring tumungo sa #JustPeace at sa FB ng Kapayapaan Campaign https://www.facebook.com/KapayapaanCampaignPH/

sona-duterte-rally-001

Comments are closed.