Anyare sa LRT-MRT Common Station?

Posted: October 5, 2016 in Uncategorized

Ito ang nakakalungkot na kwento ng LRT-MRT Common Station.

Kapag ang public infrastructure ay nakatali sa business interests, kawawa ang publiko. Narito ang kaso ng sinasabing “common station” para sa LRT at MRT. Itatayo ang project para magdugtungan ang 3 linya ng tren at maging mas maayos ang paglalakbay ng mga commuters. Pansinin na sa unang disenyo ay magkakatabi ang linya ng MRT3, LRT1 at ang itatayong MRT 7. Madaling makakalipat ng linya ang pasahero. Pero dahil ito ay sa tapat ng SM North Edsa Annex itatayo, ayaw ang Ayala na may-ari ng Trinoma. Kaya nung panahon nina Mar Roxas at Jun Abaya sa DOTC, binago ang plano. Nilagay nila sa Trinoma ang common station, kung saan hindi maaaring magtagpo ang 3 linya at maglalakad pa nang malayo ang pasahero para lumipat ng linya. Pumalag ang SM dahil nakapagbayad na sila sa gobyerno at umabot sa SC ang kaso. Naglabas ng TRO ang SC. Ang proyekto na dapat sana ay 2010 matatapos, 2016 na ay wala pang anino tayo na nakikita. 

Nagyon, may compromise na raw sa issue ng common station. Nagpirmahan pa nga ang mga Ayala, SM, MVP at SMC. Itatayo daw ang compromise common station sa pagitan ng Trinoma at SM, sa kanto ng EDSA at North Avenue! Pero anong itsura? Hindi common station ang itatayo dahil magkahiwalay ang linya ng tren at kailangang maglakad nang malayo ng commuter para makalipat ng linya. Talo na naman ang publiko. 

Ang unang larawan ay ang orihinal na disenyo ng common station na magkakatabi ang linya ng tren at madaling makakalipat ang pasahero. 

Ang ikalawa at ikatlong larawan ang disenyo ng compromise common station sa kanto ng EDSA at North Avenue kung saan mas malayo ang lalakarin ng commuter. Ayon sa mga engineers, aabot sa 150 meters ang kabuuang lalakarin kung dadaan sa atrium at 200 meters naman ang lalakarin kung sa secondary route dadaan. 

Bakit kanyo nangyari ito? Dahil ang Department of Transportation Undersecretary for Rails and Tolls  na si  Noel Kintanar ay dating opisyal ng Ayala at ayon sa aming sources sa loob ng ahensya ay kilalang tagapagtaguyod ng interes ng Ayala. 

LESSON: Hangga’t ang public infrastructure ay nakakabit sa business interests, kawawa ang publiko. Interes ng negosyo ang laging kunsiderasyon at mananaig.

Sa orihinal na disenyo, nasa ilalim ng isang bubong ang 3 linya ng tren, madaling makakalipat ang mga pasahero.

Pero sa bagong disenyo, hindi na magtatagpo ang 3 linya ng tren. Dalawang magkahiwalay na linya na at maglalakad ng malayo ang pasahero. Dadaan pa sa isang commercial “atrium” na gets na natin sino ang may-ari. 

Below is a design of the exterior of the proposed common station, which matches the drawings above. The design was purportedly made by Systra Philippines. 

P.S.

Ang orihinal na halaga ng proyekto ay P778 million. Sabi ng iba, maaaring umabot sa P2 bilyon ang proyekto dahil sa bagong disenyo. 

Comments are closed.