Hindi Lamang Rally

Posted: March 21, 2018 in Uncategorized

Sa mga seryosong nagtatanong sa tunay na ginagawa ng mga aktibista, kami po ay laging nakahandang sumagot at magpaliwanag. Basta ba hindi bastusan ang usapan, pwedeng-pwedeng makipagtalakayan.

Halimbawa, sa mga nagtatanong, “Ano ba ang nagawa nyo bukod sa mag-rally?”

Heto po ang ilan.

Naghain kami ng kaso para ipawalang bisa ang DAP ni Aquino. Naipanalo ito sa SC. Bawal na ang DAP.

Naghain ng reklamo sa Ombudsman kaugnay ng maanomalyang kontrata sa MRT na nagresulta sa pagkasira nito. Naghain din ng petisyon sa SC laban sa MRT at LRT fare hike.

 

Image may contain: 7 people, including Angelo V. Suarez, people standing and indoor

Naghain ng petisyon para pigilan ang Meralco rate hike noong 2013, hanggang ngayon dama pa natin ang epekto ng TRO.

Ipinaglaban na maipamahagi ang Hacienda Luisita na pag-aari ng mga Cojuangco-Aquino. Mga magsasaka at aktibista ang nagsulong nito.

Image may contain: 9 people, people smiling, crowd and outdoor

Nagsagawa ng mga relief and rehab operations para sa mga biktima ng Ondoy, Yolanda at iba pang mga kalamidad. Libo-libo ang pinakilos para dito. Andun po kami mismo sa mga lugar na nasalanta.

Image may contain: one or more people, sky and outdoor

Matagumpay na naipaglaban ang P1,000 dagdag pension para sa mga senior citizens na miyembro ng SSS. Mga progresibo ang nanguna sa laban na ito. Alam yan ng mga senior citizens.

Image may contain: 19 people, including Melo Acuna and Heber Bartolome, people smiling, text

Naghain ng panukalang batas para sa libreng edukasyon, na kinalaunan naipasa at napirmahan. Patuloy itong ipinaglalaban na maipatupad nang lubusan.

Ipinaglaban ang dagdag benipisyo para sa mga guro at iba pang kawaning publiko.

Nag-organisa ng election watchdog para bantayan ang halalan.

Marami pa pong nagawa at ginagawa. Maraming mga bagay na hindi lumalabas sa TV at media, na tahimik na ginagawa ng mga aktibista tulad ng pag-oorganisa, pagtatayo ng mga paaralan, paglulunsad ng mga pag-aaral, trainings at iba pa.

No automatic alt text available.

Ang pagiging aktibista ay HINDI pagra-rally lamang tulad ng nais palabasin ng iba. Paninira lamang ito lalo’t papalabasin pa na bayaran kami. Isang bahagi lamang ito ng aming gawain. Hindi lang po iyon ang aming tungkulin.

Buksan din po natin ang ating pananaw, at alamin ang katotohanan na andyan lang naman madaling i-Google. Huwag agad manghusga batay lamang sa sulsol, pira-pirasong impormasyon at mga pekeng balita.

Magtanong po tayo kung nais nating maliwanagan.

Salamat nga pala sa mga nagtanong nitong mga nakaraang araw, kahit di tayo magkakilala. Sa mga nakinig at mahinahong nakipagpalitan ng panananaw, nakiknig din kami sa inyo. Maaaring magkaiba tayo ng pananaw pero hindi naman kailangan mauuwi sa bastusan. Siguro kinalaunan, magagawa nating magkaunawaan. Ang dami nating parehong interes at pangarap para sa ating bayan. ###

 

 

Advertisements

Comments are closed.